Guro tinodas ng rider
@Balitang Probinsiya | October 3, 2022
ABRA—Isang 38-anyos na guro ang namatay nang barilin ng rider kamakalawa sa Bgy. Lipcan, Bangued.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Rudy Sayen, guro ng Suyo National High School sa bayan ng Pidigan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang motorsiklo si Sayen nang sumulpot ang suspek na sakay din ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments