top of page
Search
  • BULGAR

Guro patay sa kuryente

@Balitang Probinsiya | August 8, 2022


QUEZON—Isang guro ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Atimonan.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ma. Jane Andaya, 22-anyos, residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, papalabas na umano si Andaya sa banyo matapos maligo ay aksidenteng napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan si Andaya.


Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Andaya sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page