Guro, nilikida ng riding-in-tandem
- BULGAR

- Oct 13, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 12, 2020
NORTH COTABATO—Isang guro ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Agriculture, Midsayap.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Ravin Bigcas, guro ng Salunayan National High School at residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, lulan si Bigcas ng kanyang motorsiklo nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad itong pinagbabaril ng mga salarin.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis tumakas ang mga salarin.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments