Gunrunner, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | February 28, 2022
AKLAN–Isang gunrunner ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jesse Rimon, 50-anyos at residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng baril si Rimon ay agad nagsagawa ng buy-bust operation kaya nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng .45 pistola at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.



Comments