Gumahasa sa retarded, nasakote
@Balitang Probinsiya | February 17, 2022
BATANGAS–Isang lalaki na gumahasa sa dalagitang retarded ang nadakip kamakalawa ng mga awtoridad sa bayan ng Malvar.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Alvin Cruz, nasa hustong gulang at residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong panggagahasa sa isang babaeng retarded noong Marso 2020.
Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang pulisya si Cruz sa nasabing bayan kaya agad itong inaresto.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments