top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gumahasa sa batang babae, timbog

BULGAR
Jul 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2022


ALBAY—Isang wanted na manyakis na gumahasa sa batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. 1 Ems Barrio, Legazpi City.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay habang siya ay iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at child abuse sa lalawigan.


Napag-alamang nakita ng mga operatiba ang suspek na naglalakad sa naturang barangay kaya agad itong dinakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page