Gumahasa sa batang babae, tiklo
@Balitang Probinsiya | February 19, 2022
CAPIZ–Isang wanted na manyakis na gumahasa sa batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Jamindan.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Regie Morales, 36-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at child abuse sa lalawigan.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Morales kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments