Granada natagpuan sa ilog
@Balitang Probinsiya | December 13, 2022
ALBAY—Isang granada ang natagpuan kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Ogob, Malinao.
Ang granada ay natagpuan ng mga nangingisda sa Buyag River sa nabanggit na barangay.
Nabatid na agad ini-report ng mga mangingisda sa mga awtoridad ang natagpuan nilang bomba.
Ayon sa ulat, posible umano ang granada ay nahulog ng isa sa mga komunistang gumagala sa nasabing lugar.
Nasa pag-iingat na ngayon ng Explosive and Ordnance Division Team ang natagpuang bomba.



Comments