top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Grade 4 student, natagpuang patay

BULGAR
Dec 8, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 8, 2022


BATANGAS—Isang Grade 4 student ang natagpuang patay kamakalawa na nakalutang sa sapa na sakop ng Bgy. Balagtasin, San Jose.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rommel Moog, 9-taong gulang at residente sa naturang lalawigan.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakalutang sa sapa.


May hinala ang mga awtoridad na maaaring aksidenteng nahulog sa sapa ang biktima kaya ito nalunod.


Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa pagkamatay ng biktima para malaman kung nalunod ito o kung may naganap na foul play sa kanyang pagkamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page