top of page

Gobyerno, tugunan naman ang bigat ng taas-presyo ng petrolyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | Apr. 27, 2025



Editorial

Sa gitna ng matinding init ng panahon, isa na namang pasanin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo. 


Hindi biro ang epekto nito sa araw-araw na pamumuhay. Ang bawat pagtaas ng presyo ng diesel, gasoline at kerosene ay may domino effect — kasabay nitong tumataas ang pamasahe, presyo ng bilihin, at gastos sa produksyon. 


Mula sa mga tsuper na kailangang magdoble-kayod para kumita, hanggang sa ordinaryong mamimili sa palengke, lahat ay tinatamaan.Kasabay ng pag-init ng ulo ng mga Pilipino ay ang literal na init ng panahon. Sa mga panahong kailangang mag-aircon o kahit electric fan lang, dagdag na naman ang konsumo sa kuryente. 


At kung petrolyo ang gamit sa power generation, tiyak na aakyat din ang singil sa kuryente. Napag-iinitan na nga ng araw, iniinitan pa ng taas-presyo.Hindi sapat ang paliwanag ng pandaigdigang merkado o tensyon sa ibang bansa. Ang tanong ng marami, nasaan ang maagap na tugon ng pamahalaan? 


Nasa panahon tayo kung kailan dapat may malinaw at konkretong mga hakbangin. Puwedeng tutukan ang oil price stabilization fund, mas agresibong pagpapaunlad ng renewable energy, o kahit pansamantalang subsidiya sa sektor ng transportasyon.Hindi dapat ipasa sa taumbayan ang bigat ng krisis na ito. Sa bawat pisong idinadagdag sa presyo ng langis, nadadagdagan naman ang pasanin ng bawat pamilyang Pilipino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page