top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ginang sugatan sa hit and run

BULGAR
Sep 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 28, 2022


PALAWAN—Isang ginang ang sugatan nang ma-hit and run ang pick-up kamakalawa sa Bgy. Langogan, Puerto Princesa City.


Nakilala ang biktima na si Judith Forrosuelo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakaangkas sa motorsiklo si Forrosuelo nang aksidente itong masagi ng rumaragasang pick-up kaya nahulog ang biktima.

Nabatid na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo at katawan at agad itong dinala ng mga saksi sa pagamutan.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na driver ng pick-up.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page