Ginang nabiktima ng 'akyat-bahay gang'
@Balitang Probinsiya | August 26, 2022
PALAWAN—Isang ginang ang nabiktima ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" kamakalawa sa Bgy. 3, Roxas.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eika Anne Lago, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Nabatid na kinaumagahan nang madiskubre ni Lago na napasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay.
Sa pagsisiyasat ng pulisya ay posibleng sa beranda sa ikalawang palapag ng bahay dumaan ang mga magnanakaw.
Napag-alamang aabot sa halagang P80,000 ang cash, kagamitan at alahas ang natangay ng mga suspek at sa ngayon ay nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang."



Comments