top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ginang nabiktima ng 2 mandurukot

BULGAR
Jul 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 18, 2022


ALBAY—Isang ginang ang nabiktima ng dalawang babaeng mandurukot kamakalawa sa Bgy. Ilawod, Daraga.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Minveluz Redito, 59-anyos, nakatira sa Bgy. Putiao, Pilar, Sorsogon.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Redito patungo sa terminal ng bus ay binangga siya ng dalawang suspek na kanyang nakasalubong sa kalsada.


Nabatid na huli na nang mapansin ni Redito na nawawala na sa kanyang bag ang kanyang cellphone at pitaka na naglalaman ng cash.


Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang dalawang babaeng mandurukot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page