Ginang na HVT sa droga, nasakote
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 6, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang ginang na High-Value Target (HVT) sa droga ang nadakip sa buy-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Mambulac, Silay City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang suspek na 57-anyos hangga’t hindi pa nadadakip ang supplier nito ng umano’y shabu sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nadakip ang suspek matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 163 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments