top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ginang na backrider, patay sa van

BULGAR
Oct 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 22, 2022


AKLAN—Isang ginang na backrider ang namatay at sugatan naman ang rider at isa pang backrider nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa national highway sa Tigayon, Kalibo.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Arlyn Silanga, 57-anyos, samantalang ang mga sugatan ay sina Ace Teodosio, driver ng motorsiklo at Jennifer Silanga, na nakaangkas din sa nasabing motorsiklo, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Jimmy Melgar, kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.


Nabatid na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima at nang dalhin sila ng mga saksi sa pagamutan ay idineklarang dead-on-arrival si Arlyn.


Nakapiit na si Melgar sa detention cell ng pulisya at nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, double physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page