top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ginang, ginahasa na, pinatay pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 22, 2020



NORTH COTABATO—Isang 33-anyos na ginang ang ginahasa at pinatay kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Talunan.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalan ng pulisya ang biktima.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima habang naglalaba sa loob ng kanilang bakuran.


Nabatid na isa sa mga anak ng biktima ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng taga sa katawan at sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang ginahasa rin ito ng suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at maaresto ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page