Geoff at Maya, girl ang third baby
- BULGAR

- Sep 26, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 26, 2020

Nag-post ng bagong vlog sa YouTube ang aktor na si Geoff Eigenmann kung saan isang baby gender reveal ang naganap. Ito na ang 3rd child nila ng fiancée niyang si Maya Flores.
Ayon kay Flores, gusto niyang magkaroon ng baby girl para maramdaman ng kanilang panganay na anak ang pagkakaroon ng baby sister.
Napagkasunduan nina Eigenmann at Flores na nickname muna ng baby ang pagpaplanuhan nila bago ang pangalan nito.
Sabi ni Flores, “Actually sa name, nauuna ‘yung nickname. Kasi ‘yung theme ng nicknames namin, ano, eh, food.”
Sey naman ni Eigenmann, “It’s hard to follow the specifics when it comes to names but one thing na decided na kami talaga is that nickname comes first and it always gonna be food.”
Nagpasalamat din ang dalawa sa mga kaibigan at relatives nilang nagpadala ng video messages katulad ni Cherie Gil na tiyahin ng aktor.





Comments