Gasoline boy tinodas
@Balitang Probinsiya | April 24, 2022
ALBAY – Isang gasoline boy ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Polangui sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jay-ar Sandac, 25-anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang motorsiklo si Sandac nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments