Food service crew, sinaksak ng driver
@Balitang Probinsiya | November 10, 2021
CAPIZ—Sugatan ang food service crew nang saksakin ng tricycle driver kamakalawa sa Bgy. Sibaguan, Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng saksak sa katawan na si John Mar Mesa, nasa hustong gulang, samantalang ang suspek ay si Michael Anonat, 38-anyos, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sa kalsada ang food service crew at ang tricycle driver na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.
Nabatid na matapos ang pananaksak ay nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng rumespondeng pulisya.
Dinala naman agad ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.



Comments