top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Flower vendor dinedbol

BULGAR
Sep 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 5, 2022


NORTH COTABATO—Isang flower vendor ang namatay nang barilin ng isa sa dalawang salarin kamakalawa sa Bgy. Batasan, Makilala.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Teresa Cambal, 58-anyos, residente ng Bgy. Kisante sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, isang rider ang nagsabi kay Cambal na may bibili ng mga paninda niyang bulaklak, at pinaangkas sa motorsiklo ang biktima para puntahan ang buyer.


Nabatid na pagsapit sa naturang barangay ay pinababa ng rider sa motorsiklo si Cambal at saka sumulpot ang armadong lalaki ang pinagbabaril ang biktima.


Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page