Fish vendor dinedbol ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | September 20, 2022
BATANGAS—Isang fish vendor ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. 2, Nasugbu.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Roderick Sierra, 42-anyos, nakatira sa Bgy. Wawa sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang tinutulak ni Sierra ang nasira niyang tricycle na pinaglalagyan niya ng paninda niyang isda, nangbiglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Sierra.



Comments