Fish vendor arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 20, 2023
AKLAN—Isang fish vendor na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Old Buswang, Kalibo.
Ang suspek ay kinilalang si Charmy Pateno, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments