Search
  • BULGAR

Factory worker kinain ng makina, patay

ni Janice Baricuatro | July 6, 2020




Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang operator matapos na aksidenteng kainin ito ng makinang ino-operate sa Cavite.


Kinilala ang biktima na si Marvin Rivera, 39, residente ng San Pedro, Laguna at machine operator ng Best Chemicals and Plastic Inc., sa Bgy. Maduya, Carmona.


Sa imbestigasyon ni PSSG Charles Virtudez, alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing pabrika, kung saan kasalukuyan umanong nagtatrabaho ang biktima bilang operator nang aksidente itong kainin ng makina.


Na-stock pa ito nang nasa kalahating oras bago tuluyang naalis sa makina at naisugod sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival na ito.


Nakatakda namang makipagtulunguan ang pamunuan ng pabrika sa pamilya ng nasawi.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.