top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ex-kagawad, tinepok ng 2 armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 15, 2020



NUEVA ECIJA—Isang dating kagawad ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Juan, Aliaga.


Ang biktima ay nakilalang si ex-Kagawad Eduardo Simeon, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakatayo umano si Simeon sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page