top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ex-kagawad dinedbol ng armado

BULGAR
Aug 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 26, 2022


BATANGAS—Isang dating kagawad ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. MMabilog na Bundok, Lobo.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rogelio Lontoc, 61-anyos, dating kagawad sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa kanyang tindahan ng uling si Lontoc ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page