top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ex-Councilor, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 20, 2021



MAGUINDANAO—Isang dating konsehal ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa harap ng kanyang restaurant sa bayan ng Talitay.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si ex-Councilor Kagui Said Karim ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa harap ng pag-aari niyang restaurant si Karim ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page