Ex-cop arestado sa drug-bust
- BULGAR
- Oct 2, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 2, 2022
CAMARINES SUR—Isang dating pulis ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Bato.
Ang suspek ay nakilalang si Ritchel Mata, dating pulis at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga operatiba ng mga pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments