Ex-convict, tinodas ng dalawang armado
@Balitang Probinsiya | January 23, 2022
AKLAN–Patay ang ex-convict nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Calizo, Balete.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si George Quindong, 31-anyos at nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, naglalakad si Quindong nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima na kalalaya lang sa bilangguan.



Comments