top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ex-convict tiklo sa buy-bust

BULGAR
Jul 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 25, 2022

AKLAN—Inaresto ang isang ex-convict sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Ibajay.


Kinilala ang suspek na dati nang nahuli at nakulong sa kasong illegal drugs na si Aldwin Andrade, 45-anyos at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Andrade ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page