top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex-convict, nilikida ng 2 armado

  • BULGAR
  • Mar 14, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 14, 2021


NORTH COTABATO—Isang ex-convict ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion 2, Midsayap.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leo Alcaraz, na kalalaya lang sa piitan dahil sa kasong qualified theft.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Alcaraz sa madilim na bahagi sa kanilang lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page