top of page
Search
  • BULGAR

Ex-convict, natagpuang patay

@Balitang Probinsiya | Ika-21 ng Pebrero, 2024


CAPIZ -- Isang ex-convict ang natagpuang patay kamakalawa sa gilid ng palaisdaan sa Brgy. Marita, President Roxas sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Eduardo Bermejo, 39, nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gilid ng palaisdaan sa nasabing barangay.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alaman na may mga sugat sa katawan ang biktima. 


Nabatid na si Bermejo ay dati nang nakulong sa kasong may kinalaman sa illegal drugs.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page