Estudyante timbog sa marijuana
@Balitang Probinsiya | April 21, 2022
KALINGA – Isang estudyante ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Agbannawag, Tabuk City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeboy Amangan, 22-anyos, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na nagbebenta ng marijuana si Amangan kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya kaya nadakip ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 pakete ng marijuana sa pag-iingat ni Amangan.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments