top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Estudyante, tepok sa mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 22, 2020



NORTH COTABATO—Isang estudyante ang namatay at nasa malubhang kalagayan naman ang pinsan nito nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit.


Ang namatay ay si Amer Esmael, 21-anyos, samantalang ang sugatan ay Rambo Amelil, kapwa residente sa nasabing bayan.


Nabatid na nakasakay sa multicab ang dalawang biktima nang pagbabarilin sila ng mga suspek


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa dalawang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page