Estudyante, dedbol sa kuryente
@Balitang Probinsiya | July 11, 2022
PALAWAN—Patay ang 18-anyos na estudyante nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Araceli.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jerome Cacatian, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa basketball court ay napasandal si Cacatian sa poste na may nakausling live wire kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Cacatian sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments