- BULGAR
Estapadora arestado
@Balitang Probinsiya | May 24, 2022
ALBAY – Isang babaeng may kasong estafa ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Roque, Legazpi City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Maria Ledwina, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang estapadora sa naturang barangay.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.