Erpat, tiklo sa pag-rape sa anak

@Balitang Probinsiya | January 28, 2021
ZAMBOANGA DEL NORTE—Inaresto ng awtoridad ang isang ama dahil sa panggagahasa sa kanyang 14-anyos na stepdaughter kamakalawa sa Bgy. Venus, Sergio Osmeña.
Nakilala ang suspek na si Rodhel Enanyog, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang “Nena”, madalas umano siyang gahasain ng kanyang ama kapag wala sa kanilang bahay ang kanyang ina.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspek sa akusasyon sa kanya ng kanyang anak.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong rape at child abuse.



Comments