Erpat na gumahasa sa anak natiklo
@Balitang Probinsiya | November 7, 2022
CAGAYAN—Isang ama na gumahasa sa kanyang sa anak na 17-anyos na dalagita ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pina Este, Gattaran.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng pulisya.
Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang "Selya", madalas umano siyang gahasain ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay habang wala ang kanyang ina.
Dahil hindi na masikmura ng biktima ang panghahalay sa kanya ay inireklamo niya ang suspek na agad namang dinakip ng pulisya.
Nahaharap ang suspek sa kasong rape at child abuse.



Comments