top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Engineer nabagsakan ng puno ng niyog

BULGAR
Oct 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 1, 2022


ANTIQUE—Isang engineer ang sugatan nang mabagsakan ng puno ng niyog kamakalawa sa Bgy. Sta. Ana, Pandan.


Ang biktima ay nakilalang si Engr. Lowel Salido, 40-anyos, residente ng Bgy. Maloco, Ibajay, Aklan.


Ayon sa ulat, habang iniinspeksyon ni Salido ang gagawin niyang proyekto sa nasabing barangay ay biglang bumagsak ang puno ng niyog at nadaganan ang biktima.


Nabatid na nagtamo si Salido ng sugat sa ulo at katawan.


Kaagad dinala ng mga residente si Salido sa ospital at sa ngayon at inoobserbahan pa ang biktima sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page