Empleyadong tulak, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 4, 2021
NUEVA ECIJA—Isang empleyadong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Adonis Yuzon, empleyado ng Nueva Ecija Provincial Jail.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Yuzon ay agad inaresto ng pulisya ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Yuzon na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments