top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Empleyado, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 17, 2020



GENERAL SANTOS CITY—Isang empleyado ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Sinawal.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Kim Montanier, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nakatayo umano si Montanier sa harap ng establisimyento nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na si Montanier ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page