Empleyado ng resort, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | February 20, 2022
AKLAN--Isang empleyado ng resort ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Manocmanoc, Boracay Island.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Earnestaul Verano, 27-anyos at residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang barangay
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng marijuana drug paraphernalia at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments