Empleyado ng kapitolyo huli sa drug-bust
- BULGAR
- Jul 28, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 28, 2023
ILOILO — Isang empleyado ng kapitolyo ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Lapuz District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jojerick Bisnar, 42, empleyado ng Iloilo Provincial Capitol at nakatira sa bayan ng San Miguel sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng siyam na pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments