Empleyado ng DPWH, dedo sa van
@Balitang Probinsiya | December 23, 2022
PALAWAN—Patay ang empleyado ng Department of Public Works and Highways nang aksidenteng mabangga ng van ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Binduyan, Puerto Princesa City.
Ang biktima ay nakilalang si Nestor Gadi, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod, samantalang hindi muna pinangalanan ang driver ng van.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Gadi.
Napag-alamang sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay sa pinangyarihan ng aksidente.
Sinampahan na ng pulisya ang driver ng van ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments