top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Empleyado dedo sa concrete barrier

BULGAR
Jan 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 3, 2023


QUEZON—Isang empleyado ang namatay at sugatan naman ang kasama nito nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang kotse sa concrete barrier kamakalawa sa Bgy. Paiisa, Tiaong.


Ang nasawi ay kinilalang si Rommel Alcantara, 33-anyos, samantalang ang sugatan ay si Edrian Alcantara, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Rommel sa pagmamaneho ng kotse, habang kasama si Edrian, kaya bumangga ito sa concrete barrier.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Rommel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page