Electrician, dedbol sa kuryente

@Balitang Probinsiya | December 8, 2020
CAMARINES SUR—Isang electrician ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Camagong, San Jose.
Ang biktima ay nakilalang si Glenn Oray, electrician ng Ancient Mount Corporation.
Ayon sa ulat, habang may inaayos si Oray sa kable ng kuryente ng pinapasukan niyang kumpanya ay napahawak ito sa livewire kaya nakuryente ang biktima.
Sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa kay Oray ay nasunog ang halos buong katawan ng biktima.
Dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments