Dutch national, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | August 15, 2022
PALAWAN—Isang Dutch national ang natagpuang patay sa balkonahe ng inuupahan niyang cottage sa isang resort kamakalawa sa Bgy. Sowangan, Quezon.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Hendrick Muda, 78-anyos, bakasyunista sa Pilipinas at tubong Netherlands.
Ayon sa ulat, isang helper ng cottage ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa balkonahe kaya ini-report niya ito sa pulisya.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, posible umanong nadulas ang biktima sa balkonahe at nabagok ang ulo sa sementadong sahig na agad nitong ikinamatay.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.



Comments