Drug trafficker, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | February 10, 2021
PAMPANGA—Isang drug trafficker ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dau, Mabalacat City.
Kinilala ang suspek na si Jerald Balani, residente ng Bgy. Cutcut, Angeles City sa naturang lalawigan.
Napag-alamang nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang pulisya ng 55 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Balani.



Comments