- BULGAR
Drug trafficker, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | July 5, 2022
ALBAY—Isang bigtime drug trafficker ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bogtong, Legazpi City.
Kinilala ang suspek na si Jose Alcala, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Alcala ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.