- BULGAR
Drug pusher, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | August 18, 2022
AKLAN—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Balabag, Boracay Island, Malay.
Ang suspek ay nakilalang si Raniel Lorenzo, 27-anyos at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Lorenzo ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.