Drug pusher na minero natiklo
@Balitang Probinsiya | May 21, 2022
CAMARINES NORTE – Isang 42-anyos na minero ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tugos, Paracale sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang minerong drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang pakete ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002



Comments